Nasan na tayo?
|
Hindi ba tayo nawawala?
|
Tabi mo muna yung auto
|
Parang gusto ko nang bumaba
|
Ayoko sanang huminto
|
Ngunit masyado nang malayo
|
Pano kung 'di na tayo muling makabalik?
|
|
'Wag kang matakot
|
'Yan ang sinabi mo sa akin
|
Ako'ng nagmamaneho
|
Wala ka dapat alalahanin
|
Dadalhin kita kahit saan mo man gusto
|
Kahit san tayo magpunta
|
Hindi ka lalayo
|
|
Iisa lang ang dapat mong tandaan
|
Iisa lang ang ating pupuntahan
|
Iisa lang, walang ibang paraan
|
Iisa lang, saan ka man magdaan
|
|
Tuloy ang biyahe
|
Walang ibang iniisip
|
Kundi ang magpahangin
|
At pagtripan ang mga sari-saring tanawin
|
Sayang ang buhay
|
Kung 'di mo sulitin ang saya at saysay
|
Pano kung bukas ay bigla kang mamatay?
|
|
Iisa lang ang dapat mong tandaan
|
Iisa lang ang ating pupuntahan
|
Iisa lang, walang ibang paraan
|
Iisa lang, saan ka man magdaan
|
|
Iisa lang, isa lang, isa lang
|
Iisa lang, isa lang, isa lang
|
Iisa lang, isa lang, isa lang, isa lang, isa lang
|
|
Iisa lang ang ating pupuntahan
|
|
-----------------
|
Iisa Lang
|
Parokya Ni Edgar |