Kay tagal ng panahon
| Awit mo'y naririnig
| Sa tuwing gabi
| Ng paskong tahimik
| Tanging tinig mo
| Ang nagpapasabik
| Na hintayin ko
| Dakilang araw sa sasapit
|
| Kay tagal ng panahon
| Sa iyo'y nangungulila
| Sa bawat haplos
| Sa aking mukha
| Sa tuwing nahihimbing
| Hinihintay pa rin
| Maramdaman muli
| Ang yakap mo sa akin
|
| Ang tanging hiling
| Sa paskong darating
| Hele mo inay
| Muling marinig
| Ang tanging hiling
| Sa paskong darating
| Sa iyong kandungan
| Muling maidlip
|
| At kung matutupad
| Ang dasal sa maykapal
| Makapiling ka muli
| Ng isang sandali
| Ang paskong ito'y
| 'di ko ipagpapalit
| Sa lahat ng paskong
| Sa aki'y darating
|
| Ang tanging hiling
| Sa paskong darating
| Hele mo inay
| Muling marinig
| Ang tanging hiling
| Sa paskong darating
| Sa iyong kandungan
| Muling maidlip
|
| -----------------
| Hele Ni Inay
| | Regine Velasquez |
|
|
|
|
*Regine Velasquez Other lyrics
|
|